Lalawigan ng Benguet isinailalim sa state of calamity
Isinailalim sa state of calamity ang lalawigan ng Benguet.
Sa bisa ng Resolution No. 2023-688 idineklara ang state of calamity sa buong lalawigan dahil sa pinsala na iniwan ng Typhoon ‘Egay’.
Sa naging rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ng Benguet, iniulat ang matinding pinsala ng bagyong Egay sa mga kabahayan, at ang bilang ng mga naapektuhang residente.
Ayon sa PDRRMC, 103 sa 140 na barangay sa lalawigan ang napinsala ng bagyo. (DDC)