Environmental group na BAN Toxics nanawagan kay Pangulong Marcos na aksyunan ang plastic pollution

Environmental group na BAN Toxics nanawagan kay Pangulong Marcos na aksyunan ang plastic pollution

Nanawagan ang Environmental group na BAN Toxics kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gumawa ng agarang hakbang para mawakasan ang plastic pollution sa bansa.

Kasabay nito, iginiit ni Reynaldo San Juan, Executive Director ng BAN Toxics ang kanilang panawagan na i-ban ang single-use plastics.

Ayon sa BAN Toxics, noong inagurasyon ni Pangulong Marcos ay binanggit nitong kasama sa kaniyang prayoridad ang usapin sa climate change mitigation.

Ayon sa BAN Toxics, sa ginawang pag-aaral ng mga Filipino scientist tungkol presensya ng microplastics sa buong Metro Manila.

May pag-aaral ding ginawa kung saan may nakitang presensya ng microplastics sa surface water ng mga ilog na kunektado sa Manila Bay.

Ayon sa BAN Toxics, ang microplastics ay kayang makapasok sa katawan ng tao sa pamamagitan ng inhalation at absorption.

Tiniyak naman ng grupo ang suporta sa gobyerno sa nagpapatuloy Intergovernmental Negotiation Committee (INC) on Plastic Pollution negotiations.

Sinabi ng BAN Toxics na kailangang sa lalong madaling panahon ay umaksyon ang adminsitrasyon para mapigilan na maging dumping ground ang Pilipinas ng mga first-world nations sa pamamagitan ng pag-ratipika sa Basel Ban Amendment.

Sa pamamagitan ng naturang international treaty ay ipagbabawal ang pag-export ng hazardous wastes mula sa European Union, OECD, at Liechtenstein member states patungo sa ibang bansa gaya ng Pilipnas. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *