Pangulong Marcos dumalo sa pagtatapos ng MADASIGON Class of 2023 ng PMA
Nakiisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagtatapos ng “Mandirigmang may Dangal, Simbolo ng Galing at Pagbangon,” o MADASIGON Class of 2023 ng Philippine Military Academy sa Lungsod ng Baguio araw ng Linggo, May 21.
Sa kanyang talumpati, ibinahagi ng pangulo ang ilang hakbang ng administrasyon para sa mga Pilipinong sundalo.
Kabilang dito ang pagsulong sa modernisasyon ng Sandatahang Lakas at sa social protection para sa mga uniformed personnel.
Binanggit din ng pangulo ang pag-amyenda sa Republic Act No. 11709 sa propesyonalisasyon at merit system ng kasundaluhan.
Nanawagan din si Pangulong Marcos sa mga nagtapos na panatilihin ang mga katangian ng tapang, integridad, at pagkamakabayan sa militar upang matiyak ang seguridad at kapayapaan sa bansa. (DDC)