Lubang, Occidental Mindoro niyanig ng magnitude 4.8 na lindol
Tumama ang magnitude 4.8 na lindol sa lalawigan ng Occidental Mindoro.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 112 kilometers northwest ng bayan ng Lubang, 8:36 ng umaga ngayong Huwebes, April 7.
May lalim na 33 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Ayon sa Phivolcs, aftershock ito ng magnitude 6.4 na lindol na tumama sa Lubang, Occidental Mindoro noong March 14. (DDC)