Magkakasunod na may kalakasang pagyanig naitala sa Occidental Mindoro
![Magkakasunod na may kalakasang pagyanig naitala sa Occidental Mindoro](https://newsflash.ph/wp-content/uploads/2022/03/Mar-25-Occ-Mindoro.png)
Nakapagtala ng magkakasunod na pagyanig sa Lubang, Occidental Mindoro.
Sa datos mula sa Phivolcs, unang naitala ang magnitude 4.1 na lindol alas 4:50 ng madaling araw ngayong Biyernes (Mar. 25) sa 117 kilometers northwest ng bayan ng Lubang.
Sinundan ito ng magnitude 4.9 na lindol 5:06 ng umaga sa 110 kilometers northwest ng Lubang.
6:37 naman ng umaga sa parehong epicenter ay naitala ang magnitude 4.4 na lindol, at 8:15 ng umaga ay naitala ang magnitude 4.3 na lindol.
Ang nasabing mga pagyanig ay pawang aftershocks ng magnitude 6.4 na lindol na tumama sa Lubang, Occidental Mindoro noong March 14. (DDC)