Magkakasunod na may kalakasang pagyanig naitala sa Occidental Mindoro
Nakapagtala ng magkakasunod na pagyanig sa Lubang, Occidental Mindoro.
Sa datos mula sa Phivolcs, unang naitala ang magnitude 4.1 na lindol alas 4:50 ng madaling araw ngayong Biyernes (Mar. 25) sa 117 kilometers northwest ng bayan ng Lubang.
Sinundan ito ng magnitude 4.9 na lindol 5:06 ng umaga sa 110 kilometers northwest ng Lubang.
6:37 naman ng umaga sa parehong epicenter ay naitala ang magnitude 4.4 na lindol, at 8:15 ng umaga ay naitala ang magnitude 4.3 na lindol.
Ang nasabing mga pagyanig ay pawang aftershocks ng magnitude 6.4 na lindol na tumama sa Lubang, Occidental Mindoro noong March 14. (DDC)