BREAKING: DOH nag-ulat ng mahigit 40,000 bagong recoveries sa COVID-19
Umabot sa mahigit 40,000 ang iniulat ng Department of Health (DOH) na bagong mga gumaling sa sakit na COVID-19.
Ayon sa DOH, batay sa time-based reporting ng recoveries sa ilalim ng kanilang “Oplan Recovery” umabot sa 40,397 ang dagdag na bilang ng mga gumaling sa sakit.
Nakapagtala naman ng dagdag na 3,420 na bagong kaso.
Ayon sa DOH, ang total confirmed cases ng COVID-19 sa bansa ay 161,253 na.
Sa nasabing bilang, 112,586 na ang gumaling habang 46,002 ang aktibong kaso.
Nakapagtala naman ng 65 na dagdag na nasawi sa sakit kaya umabot na sa 2,665 ang bilang ng mga nasawi.
Una nang sinabi ng DOH na tuwing araw ng Linggo ay mag-uulat sila ng malaking bilang ng mga gumaling sa sakit na resulta ng kanilang pinaigting na pagmonitor sa mga kaso. (END).