Cagayan Valley Medical Center planong gawing Mega Hospital sa buong Luzon

Cagayan Valley Medical Center planong gawing Mega Hospital sa buong Luzon

Sinabi ni Dr. Glenn Matthew Baggao, Medical Center Chief ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) na planong gawing “Mega Hospital” sa buong Luzon ang pagamutan.

Sa ulat mula sa Cagayan Provincial Information Office, patuloy ang ginagawang development sa CVMC, katulad na lamang ng mga nakalinyang imprastraktura.

Aniya, sa huling linggo ng Enero ay ipapatayo ang trauma center at tinatapos na rin ang isang Communicable Disease Building kung saan dadalhin at ihihiwalay ang mga pasyenteng may nakakahawang sakit.

Madadagdagan rin ang kagamitan at tauhan ng naturang ospital upang mapabuti pa ang serbisyo nito.

Samantala, ayon kay Baggao, tumataas na kaso ng Covid-19 patients sa CVMC na ngayon ay nasa 138 na kung saan 97 dito ay confirmed cases habang 41 naman ang suspected patients.

Sa nasabing bilang, walumput walo (84)ang galing sa probinsiya ng Cagayan, limamput lima (55) rito ay mula sa Tuguegarao City at lima (5) ay mula sa bayan ng Penablanca at sa iba pang mga bayan ng probinsiya.
Nasa 49 rin ang mga health workers sa CVMC ang nagpositibo sa nakakahawang virus.

Ayon pa kay Dr. Baggao, mayroong isa (1) na kritikal at apat(4) na severe, 70 na moderate, 63 na mild cases. Ang 60% sa mga pasyente ay hindi bakunado kontra Covid-19.

Bagamat may bakante pa sa mga kama ay nasa 30% utilitization rate na rin ang ICU, 50% naman para sa confirmed patients at 20% naman para sa mga suspected patients.

Nagdagdag na rin ng mga tents at hospital beds sa compound ng CVMC at plano na ring ibalik ang step-down facility para sa mga pasyenteng gumagaling na upang magkaroon ng bakanteng kama para sa mga severe at critical na pasyente.

Bumili rin ng karagdagang 300 na oxygen tanks ang pagamutan para sa mga pasyente.

Dagdag pa ni Dr. Baggao na ngayon ay sinuspindi ang operasyon ng Out Patient Department (OPD) at pinapairal ang Teleconsult medicine.

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *