Sabong pinayagan na ng IATF sa lahat ng lugar na nasa Alert Level 2
Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagsasagawa ng sabong sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2.
Sa IATF Resolution No. 154 pinapayagan na ang operasyon ng cockpits at traditional cockfighting.
Sa virtual press briefing sinabi ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na kailangan lamang sundin ang sumusunod na health protocols:
– Maximum 50 percent ng vanue capacity para sa mga fully vaccinated individuals.
– Lahat ng on-site workers ng mga sabungan ay dapat fully vaccinated.
– Dapat cashless ang pagtaya at gumamit ng technology-based platforms. Bawal ang palitan o abutan ng pera sa mga sabungan at bawal ang oral placing ng taya.
– Dapat gumamit ng technology-based betting at kailangan itong ipatupad ng LGU. (DDC)