Halos 800,000 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccine dumating sa bansa
Dumating sa bansa ang 793,900 doses pa ng COVID-19 vaccine ng AstraZeneca.
Ang nasabing mga bakuna ay donasyon ng pamahalaan ng Germany sa Pilipinas sa pamamagitan ng COVAX facility.
Sa kabuuan ay umabot na sa 1.6 million doses ng bakuna AstraZeneca vaccine ang nai-donate ng German government sa bansa.
Ayon kay NTF Chief Implementer at vaccine czar Secretary Carlito G. Galvez, Jr. ngayong tuluy-tuloy na ang suplay ng bakuna sa bansa, dapat tumalima ang mga lokal na pamahalaan sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na madaliin ang kanilang pagbabakuna.
Nagpasalamat naman si Galvez sa German government sa pagsuporta sa COVID-19 response ng pamahalaan. (DDC)