Pilipinas nananatiling ligtas sa Bird Flu

Pilipinas nananatiling ligtas sa Bird Flu

Nananatiling ligtas ang Pilipinas sa Avian Influenza o Bird Flu.

Pahayag ito ng Bureau of Animal Industry (BAI) kasunod ng napapabalitang kaso ng Bird Flu sa mga karatig na bansa kabilang na ang China.

Paalala ng BAI sa mga nag-aalaga ng ibon, ipagpatuloy ang pagpapatupad ng Good Animal Husbandry Practices at mahigpit na biosecurity measures.

Tiyakin ding may bakuna ang mga alagang ibon laban sa mga peste gaya ng Newcastle Disease.

Kung mayroong hindi pangkaraniwang pagkamatay o pagkakasakit ng anumang uri ng ibon, agad itong ipagbigay-alam sa Animal Health and Welfare Division sa numerong 09285241892 o 09208543119. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *