‘Win Action Center’ ni Sen. Sherwin Gatchalian isasara sa publiko simula bukas; 7 staff nagpositibo sa COVID-19
Isasara muna sa publiko ang ‘WIn Action Center’ ni Senator Sherwin Gatchalian sa Brgy. Malinta, MacArthur Highway, Valenzuela City.
Sa abiso ng tanggapan ng senador, sisimulan ang closure bukas, July 27, 2020.
Ito ay para makapagsagawa ng dinsinfection sa tanggapan.
Pitong staff kasi ng Win Action Center ang nagpositibo sa COVID-19.
Kung mayroong concern o katanungan maaring magpadala ng email sa email@wingatchalian.com / dvd