Pangulong Duterte nagpasalamat sa Japan sa ayuda para tugunan ang pandemya sa COVID-19
Nagkausap sa telepono Miyerkules (May 19_) ng gabi sina Pangulong Rodrigo Duterte at Japanese Prime Minister Yoshihide Suga.
Sa naturang pag-uusap pinasalamatan ni Pangulong Duterte ang pamahalaan ng Japan dahil sa ayuda na ibinigay sa Pilipinas.
Partikular na ipinapasalamat ng pangulo ang COVID-19 assistance ng Japan.
Kabilang na ang 20 billion yen approval mula sa 50 billion yen Post-Disaster Standby Loan at 1 billion yen para sa karagdagang cold chain development assistance.
Nagpasalamat din ang pangulo sa suporta ng Japan sa transition process sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Sa panig ni Prime Minister Suga, nangako naman ito na patuloy na susuportahan ng Japan ang Pilipinas sa paglaban sa pandemya.
Humingi rin ng paumanhin ang Prime Minister dahil hindi natuloy ang pagbisita sa Pilipinas dahil sa COVID-19.
Ayon sa Malakanyabg tumagal ng 20-minuto ang pag-uusap ng dalawa at naging mabunga naman ito. (Faith Dela Cruz)