“No vaccine, no participation” paiiralin sa Hanoi SEA Games

“No vaccine, no participation” paiiralin sa Hanoi SEA Games

Obligadong magpabakuna ang mga atleta at coaches na sasali sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Ito ay makaraang ianunsyo ng Vietnam SEA Games Organizing Committee na paiiralin nila ang “no vaccine no participation” policy.

Ayon kay Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino, tiniyak naman ng mga organizer na matutuloy ang SEA Games sa Nov. 21 hanggang Dec. 2.

Pero kailangang may bakuna ang mga lalahok para na rin sa ikabubuti ng lahat.

Sinabi ni Tolentino na sumulat na sila sa Inter-Agency Task Force para maisama sa prayoridad ng pagbabakuna ang mga delagado nilang kalahok sa SEA Games.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *