18 kabilang ang 2 barangay chairman at 1 barangay kagawad sasampahan ng reklamo dahil sa ilegal na boxing match sa Tondo
Ipaghaharap ng reklamo ng Manila Police District (MPD) ang 18 katao sa pagsasagawa ng ilegal na na boxing match sa Gagalangin, Tondo noong weekend.
Ayon kay MPD Director Brig. General Leo Francisco ang mga irereklamo ay nakilala batay sa mga naglabasang video ng insidente.
Kabilang sa sa mga lumabag sa guidelines ng Inter Agency Task Force ay ang kapitan ng barangay na si Jaime Laurente ng Brgy. 182, Kaputan Facipico Geronimo ng Brgy. 181 at Kagawad Arnel Salenz ng Brgy. 182.
Partikular na nilabag ng mga ito ang pagbabawal sa mass gathering matapos magkaroon ng street boxing kahit bawal ang pagtitipon at contact sports.
Wala ring lusot ang magulang ng mga menor de edad na pinag-boksing.
Sinabi ni Francisco na hirap sila sa pagkuha ng sinumpaang salaysay sa pangyayari pero hindi ito dahilan para makalusot sa asunto ang mga nakita sa video.
Kabilang din sa iniimbestigahan ay ang hepe ng MPD Station 1 lalo na ang nakatalaga sa Gagalangin PCP na nakasasakop sa lugar.