DOLE hindi pumayag sa hirit ng PNP na isama sa requirements para sa DOLE transactions ang pagkuha ng National Police Clearance

DOLE hindi pumayag sa hirit ng PNP na isama sa requirements para sa DOLE transactions ang pagkuha ng National Police Clearance

Tumanggi ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa nais ng Philippine National Police (PNP) na isama sa requirements para sa DOLE transactions ang pagkuha ng National Police Clearance.

Sa liham ni Labor Sec. Silvestre Bello III sinabi nitong suportado ng DOLE ang PNP at ang pag-roll out nito ng National Police Clearance System.

Gayunman, hindi aniya makabubuti kung isasama ang pagkuha ng NPC bilang requirement sa mga kliyente ng DOLE o may transaksyon sa ahensya.

Katunayan sinabi ni Bello na sa isinagawang rapid survey sa mga stakeholders ng DOLE, 94 percent ng mga employer at mga mangagagawa ang hindi pabor dito.

Maituturing kasi itong dagdag na pasaning pinansyal sa marami.

Maliban dito, sinabi ni Bello na hindi ito naaayon sa polisiya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng RA 11032 o Easte of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.

Ayon kay Bello, walang legal na basehan para i-require ang mga kliyente ng DOLE na kumuha ng police clearance.

Maari pa nga aniya nitong malabag ang probisyon sa 1987 Constitution, Labor Code at iba pang existing legislations.

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *