Dalawa arestado ng NBI dahil sa pangingikil
Arestado ang dalawang katao sa ikinasang entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI)-National Capital Region (NBI-NCR) in an entrapment operation for Robbery Extortion in Sta. Mesa, Manila.
Kinilala ni NBI OIC-Director Eric B. Distor ang mga suspek na sina Jingky Joy Sena at kaniyang ina na si Maricar Sena.
Ayon kay Distor, nag-ugat ang operasyon sa makaraang dumulong ang biktima sa NBI-Sarangani Districti Office (NBI-
Ayon sa NBI, hinack ni Jingky ang kaniyang FB account at binago ang password.
Pagkatapos ay nagpadala si Jingky ng mga sex video sa kaibigan ng biktima gamit ang kaniyang account.
Nag-demand din si Jingky ng pera mula sa biktima para itigil niya ang pagpapakalat ng sex videos.
Nagawa ng biktima na makapagpadala ng pera sa mag-inang suspek noong April 9 at 11, 2021 sa pamamagitan ng Palawan Express.
Kasunod nito ay naghain ng reklamo ang biktima sa NBI-NCR.
Sa ikinasang entrapment operation ay huli sa akto ang ina ng suspek habang kinukuha ang perang padala ng biktima sa Palawan Express Pureza Branch, Sta. Mesa, Manila.
Naisailalim na sa inquest proceedings ang mag-ina sa Office of the Prosecutor ng Maynila para sa reklamong Robbery Extortion in relation to RA 10175 o Cyber Crime Prevention Act of 2012 at paglabag sa R.A. 9995 o “Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009”.