Daan-daang biktima ng bagyo sa Northern Samar napagkalooban ng tulong ni Senator Bong Go

Daan-daang biktima ng bagyo sa Northern Samar napagkalooban ng tulong ni Senator Bong Go

Nagkaloob ng tulong si Senator Christopher “Bong” Go sa mga nabiktima ng bagyo sa Northern Samar.

Sa isinagawang distribution activity ng team ng senador, namahagi ito ng tulong sa 664 na beneficiaries na naapektuhan ng Typhoon Bising sa Pambujan, Northern Samar.

Namigay ng meals, food packs, masks, face shields, at vitamins sa mga benepisyaryo.

Tiniyak ng team ng senador na maayos na naipatutupad ang health protocols para maiwasan ang pagkalat pa ng COVID-19.

Namahagi din si Go ng bisikleta sa ilang piling benepisyaryo para magamit nila sa kanilang pagbiyahe.

Habang may iba ding tumanggap ng bagong sapatos.

Namahagi din ng computer tablets na magagamit naman ng mga bata para sa blended learning.

Inabisuhan din ni Go ang mga residente na lumapit sa Malasakit Center sa Northern Samar Provincial Hospital sa Catarman kung sila ay nangangailangan ng atensyong medikal.

“Mayroon na rin tayong 103 na Malasakit Center sa buong Pilipinas na handang tumulong sa inyo. At ang target ng Malasakit Center ay zero balance para wala na po kayong babayaran sa ospital. Lapitan niyo lang po ito,” ayon kay Go.

Ayon sa senador, ang Malasakit Center is ay one-stop shop para sa medical concerns kung saan naroroon ang apat na ahensya ng gobyerno kabilang ang Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Philippine Charity Sweepstakes Office at PhilHealth.

Samantala, kasama din sa aktibidad ang mga tauhan ng DSWD na namahagi ng tulong-pinansyal.

Kinilala naman ni Go ang hakbang ng mga lokal na opisyal kabilang sina Northern Samar 2nd District Representative Jose Ong, Jr., Governor Edwin Ong Ongchuan, Vice Governor Gary Lavin, Pambujan Mayor Felipe Sosing at Vice Mayor Ronil Tan para matiyak ang tulong sa kanilang mga mamamayan.

“Kami ni Pangulong Duterte, sa abot ng aming makakaya ay magseserbisyo kami sa inyo. At mahal na mahal po namin ang aming kapwa Pilipino,” dagdag ng senador.

Noong April 27, ang team ni Go ay namahagi din ng tulong sa aabot sa 1,000 residente ng Catubig, Northern Samar na naapektuhan din ng Typhoon Bising.

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *