Plano ng PLM na magsagawa ng limitadong face-to-face classes aprubado na ng CHED

Plano ng PLM na magsagawa ng limitadong face-to-face classes aprubado na ng CHED

Inaprubahan ng Commission on Higher Education (CHED) ang plano ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) na makapagsagawa ng limited face-to-face classes sa ilang medical courses nito.

Natanggap na ni PLM President Emmanuel Leyco ang certificate of authority mula sa CHED kung saan pinapayagan na mabuksan na ang kanilang Medicine, Nursing at Physical Therapy programs.

Ito ay matapos na makatugon ang PLM sa mga requirements ng CHED at ng Department of Health (DOH) para sa reopening ng campuses ng higher education institutions upang makapagsagawa ng limited face-to-face classes ngayong mayroong COVID-19 pandemic.

Nagpasalamat naman si Leyco sa CHED sa pagpayag na maisakatuparan ang “hands-on learning” sa kanilang medical students.

Tiniyak naman ng faculty members ng PLM na magiging maingat sila sa pagsasagawa ng klase para masiguro ang kaligtasan ng mga estudyante.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *