Calbayog City Airport pinasinayaan na
Ganap nang pinasinayaan ang Calbayog Airport sa Calbayog City, Samar.
Personal na dinaluhan ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang inagurasyon at pinagunahan din ang unveiling ng marker ng mas pinaganda at mas modernong paliparan.
Ang pagsasaayos ng Calbayog Airport ay bahagi ng ‘BUILD, BUILD, BUILD’ infrastructure program ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kinapalooban ng dalawang bahagi ang Calbayog Airport Development Project – ang Phase 1 ay ang pagtatayo ng bagong Passenger Terminal Building (PTB), bagong apron, bagong taxiway, drainage system at site development.
Habang sa Phase 2 naman ay nagsagawa ng widening sa runway, apron expansion, strip grade correction, slope correction, runway safety end area (RESA), VPA at security fence.
Ang Calbayog Airport na magsisilbing ‘complementary airport’ ng Tacloban Airport ay kaya nang makapag-accommodate ng 450 passengers mula sa dating 76 lamang.
Ayon kay CAAP Director General Jim Sydiongco, ang Calbayog Airport Development Project ay makatutulong upang sumigla ang ekonomiya ng Samar gayundin ng lalawigan sa buong rehiyon ng Eastern Visayas.
Maliban din sa 1,500 na trabahong nalikha sa kasagsagan ng proyekto, mahigit 300 direct jobs pa ang nag-aabang kapag naging operational na ang airport.
WATCH: Pinangunahan ni @DOTrPH Sec. Arthur Tugade ang unveiling of marker ng Calbayog Airport | @ricksmile18
🎥Infinite Radio Calbayog pic.twitter.com/45sLGOEZY2
— NewsFlashPH (@NewsFlashPH) May 5, 2021