Caloocan may pinakamataas na accomplishment rate sa pamamahagi ng ECQ ayuda sa NCR
Nanguguna ang Lungsod ng Caloocan sa buong National Capital Region sa accomplishment rate sa pamamahagi ng ECQ ayuda.
Batay sa datos ay nasa mahigit P1.295 bilyong pondo ang naipamahagi na sa 388,415 pamilyang benepisyaryo nito sa lungsod.
Ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG), hanggang noong Lunes, May 3 narito ang accomplishment rate ng iba pang lungsod sa NCR:
Quezon City (94.96%)
Mandaluyong (92.51%)
Navotas (90.68%)
Maynila (88.39%)
Pateros (87.69%)
San Juan (80.40%)
Sa isinagawang beripikasyon ng Caloocan City Social Welfare and Development Department, ang ibang mga orihinal na benepisyaryo ng SAP ay hindi na nakatira sa Caloocan, ang iba ay nasa probinsya na o nasa ibang bansa.
Ito ay nagbigay-daan upang ipamahagi rin ang benepisyo sa mga miyembro ng 4Ps, registered solo parents at PWDs.
Ayon kay Caloocan City Mayor Oscar Malapitan araw ng Miyerkules, May 5, ay sisimulan at agarang tatapusin ang pamamahagi ng ayuda sa mga miyembro ng JODA at TODA o Jeepney/Tricycle Operators and Drivers Associations sa lungsod.