46 degrees Celsius na Heat Index naitala sa Dagupan City
Mainit na panahon ang naranasan sa maraming lugar sa bansa araw ng Lunes, May 3.
Sa datos mula sa PAGASA, sa Dagupan City, Pangasinan naitala ang pinakamataas na Heat Index na umabot sa 46 degrees Celsius.
Naitala ito alas 2:00 ng hapon.
Narito ang iba pang mga lugar na nakapagtala ng mataas na Heat Index.
Sangley Ppoint, Cavite – 45 degrees Celsius
NAIA, Pasay City – 43 degrees Celsius
San Jose, Occidental Mindoro – 43 degrees Celsius
El Salvador, Misamis Oriental – 42 degrees Celsius
Iba, Zambales – 42 degrees Celsius
Dipolog, Zamboanga Del Norte – 41 degrees Celsius
Laoag City, Ilocos Norte – 41 degrees Celsius
Ambulong, Batangas – 40 degrees Celsius
Catbalogan, Samar – 40 degrees Celsius
Ayon sa PAGASA, nasa “danger level” ang Heat Index na mahigit 41 degrees Celsius.
Payo ng PAGASA sa publiko palagiang uminom ng tubig ngayong nakararanas ng mainit na panahon ang bansa.