US FDA nakatakdang desisyunan ang paggamit ng COVID-19 vaccine ng Pfizer para sa mga edad 12 hanggang 15

US FDA nakatakdang desisyunan ang paggamit ng COVID-19 vaccine ng Pfizer para sa mga edad 12 hanggang 15

Nakatakdang aprubahan ng US Food and Drug Administration ang otorisasyon sa Pfizer Inc. at German partner nitong BioNTech SE para maibigay ang kanilang bakuna kontra COVID-19 sa mga edad 12 hanggang 15.

Ito ay makaraang lumabas sa pag-aaral ng Pfizer na ang kanilang bakuna ay ligtas at epektibo sa mga edad 12 hanggang 15 base sa kanilang clinical trial.

Ayon sa US-FDA, nagpapatuloy ang kanilang review sa hiling ng Pfizer na palawigin ang kanilang emergency use authorization para sa nasabing mga edad.

Ang nasabing bakuna ng Pfizer ay mayroon nang EUA para sa mga edad 16 pataas.

Sa sandaling aprubahan ang pagpapalawig ng EUA, maari nang magamit ang bakuna sa US para sa mga edad 12 hanggang 15.

Sa ngayon ang Moderna Inc. at ang Johnson & Johnson ay nagsasagawa na rin ng trial sa kanilang bakuna sa mga edad 12 hanggang 18.

Ang Pfizer at Moderna ay kapwa din nagsasagawa ng clinical trials para sa mga batang edad anim na buwan hanggang 11 taong gulang.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *