1,300 contact tracer ide-deploy sa iba’t ibang bahagi ng Quezon City

1,300 contact tracer ide-deploy sa iba’t ibang bahagi ng Quezon City

Mahigit 1,300 na contact tracers ang ide-deploy sa Quezon City.

Bahagi ito ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o (TUPAD) program ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ang mga bagong hire na contact tracers ay sumailalim na sa orientation.

Ayon kay Quezon City Mayor Mayor Joy Belmonte mahalaga ang tungkulin ng contact tracers sa paglaban ng QC sa COVID-19.
Ang mga pangangailangan ng mga contact tracer ay ipagkakaloob ng pamahalaang lungsod upang mas maayos nilang magampanan ang kanilang trabaho.

Sa ngayon, aabot na sa 2,600 ang bilang ng mga contact tracer sa lungsod.

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *