BRP Gabriela Silang nakabalik na sa South Harbor sa Maynila matapos lumahok sa training exercises sa West PH Sea

BRP Gabriela Silang nakabalik na sa South Harbor sa Maynila matapos lumahok sa training exercises sa West PH Sea

Nakarating na sa Pier 15, South Harbor sa Maynila ang BRP Gabriela Silang ng Philippine Coast Guard (PCG).

Alas 8:24 ng umaga ng Lunes, May 3 nang dumating ang barko sa Pier 15 matapos ang paglahok nito sa joint training exercises ng PCG at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na isinagawa sa West Philippine Sea.

Sa isinagawang “Task Force Pagsasanay” ang BRP Gabriela Silang (OPV-8301) at BRP Sindangan (MRRV-4407) ay nagsagawa ng training on navigation at patrol operations malapit sa Bajo de Masinloc.

Nagtungo din ang BRP Gabriela Silang (OPV-8301) sa Kalayaan Island Group para magsagawa naman ng training exercises, kabilang ang man overboard exercise, small boat operations, seamanship, fire drill, at iba pang ships evolution kasama ang BRP Cabra (MRRV-4409), BRP Malapascua (MRRV-4403), at iba pang PCG-manned BFAR vessels.

Ang PCG at BFAR ay naghahanda naman ngayon para sa second leg mg maritime exercise na isasagawa naman sa Batanes Group of Islands at Benham Rise.

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *