Condom, pills dapat ding ipamahagi sa mga Community Pantry – POPCOM

Condom, pills dapat ding ipamahagi sa mga Community Pantry – POPCOM

Hinikayat ng Commission on Population and Development (POPCOM) ang mga nag-oorganisa ng community pantry na mamahagi din ng contraceptives gaya ng condoms at pills.

Ayon kay POPCOM executive director Usec. Juan Antonio Perez III maituturing ding essentials ang mga pangangailangan para sa family planning para maiwasan ang teenage at unplanned pregnancies ngayong may pandemya.

Sinabi ni Perez na sa pamamahagi ng contraceptives sa community pantries ay mapupunan ang ang “family planning activities” na hindi naisasagawa ngayon dahil sa COVID-19.

Ayon kay Perez na maaring maipamahagi ang condom lalo na sa mga sexually active na layon ding makaiwas sa HIV infections at iba pang sexually transmitted infections o STIs.

Sa ilang community pantry gaya sa Taguig City, may itinayong community pantry na maliban sa pagkain ay nagbibigay din ng condoms, lubricants, at sanitary items.

Hinikayat naman ni Perez ang mga Community Pantry organizers na makipag-ugnayan sa LGUs para sa maayos na pamamahagi ng Family Planning commodities.

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *