Mahigit 1,500 na tourism frontline workers nabakunahan na kontra COVID-19
Mayroon nang mahigit 1,500 na tourism frontline workers ang tumanggap ng bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat, inumpisahan na ang pagbabakuna sa mga nasa A4 Priority Group.
Kabilang aniya sa nabakunahan na ay ang 1,510 na frontliners mula sa DOT-Accredited at LGU Licensed Quarantine / Isolation facilities.
Kasama din sa itinuturing na tourism frontline workers ang mga nasa Non-Quarantine DOT Accredited Accommodation establishments.
Ayon kay Puyat, sa iba pang LGUs na halos nakatapos na ng pagbabakuna ng A1 hanggang A3 ay magsisimula na ding magbakuna ng A4.