Aspirin hindi pangontra sa COVID-19 ayon sa DOH
Nagbigay ng linaw ang Department of Health (DOH) sa mga kumakalat na impormasyon hinggil sa paghikayat sa publiko na uminom ng aspirin para makaiwas sa COVID-19.
Ipinapaalala ng DOH na ang COVID-19 ay dulot ng virus at hindi ng bacteria.
Hindi inirerekomenda ang pag-inom ng aspirin pangontra sa COVID.
Ayon sa DOH, ang maling pag-inom nito ay maaaring magdulot ng pagdurugo sa katawan at pagkamatay.
Sinabi pa ng ahensya na ang Asipirin ay ibinibigay lamang sa mga pasyenteng kailangang mai-admit sa ospital.