Municipal Hall ng Allacapan, Cagayan sasailalim sa total lockdown

Municipal Hall ng Allacapan, Cagayan sasailalim sa total lockdown

Sasailalim sa total lockdown ang Allacapan Municipal town hall sa Cagayan.

Sisimulan ang locdown araw ng Lunes, May 3, 2021, makaraang magpositibo ang walong mga empleyado ng munisipyo sa sakit na COVID-19.

Nilagdaan ni Allacapan Mayor Harry D. Florida ang Executive Order No. 12 na nag-aatas sa mga empleyado ng munisipyo na sundin ang “strict home quarantine,” hanggang sa Mayor 9, 2021.

Bumuo din si Florida ng Monitoring Team na magmomonitor sa lahat ng mga empleyado ng munisipyo kung ang mga ito ba ay talagang tumutupad sa utos na sila ay manatili sa bahay.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *