P4.6M na halaga ng marijuana nakumpiska sa 3 suspek sa Tarlac

P4.6M na halaga ng marijuana nakumpiska sa 3 suspek sa Tarlac

Aabot sa P4.6 Million na halaga ng marijuana ang nakumpiska ng mga otoridad sa ikinasang buy bust operation sa Tarlac.

Kinilala ni PNP Chief Police General Debold M. Sinas ang mga naarestong suspek na sina Cornelio Chumil-Ang, 33 anyos; Jomar Pallar, 24 anyos at Marcelino Caraowa. 40 anyos na pawang residente ng Mountain Province.

Batay sa ulat ng Police Regional Office 3, ang mga suspek ay naaresto sa joint operations ng anti-illegal drug operatives mula sa Tarlac Police Provincial Office at Tarlac City Police Station.

Ang mga suspek ay huli sa aktong pagbebenta ng 24 na piraso ng marijuana bricks at 26 na rolyo ng dried marijuana leaves.

Nakumpiska din sa mga suspek ang P1,000 na marked money, 68 piraso ng 1,000.00 peso bill na ginamit bilang boodle money, dalawang cellphone, Toyota Hi Ace van at Isuzu mini dump truck.

Ang grupo ay nag-ooperate sa Tarlac, Pangasinan at Mountain Province ayon kay Sinas.

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *