Burgos, Surigao del Norte niyanig ng magnitude 4.0 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Norte.
Naitala ng PHIVOLCS ang pagyanig sa layong 50 kilometers northeast ng bayan ng Burgos, ala 1:45 ng hapon ng Linggo, May 2.
Ayon sa PHIVOLCS, 7 kilometers ang lalim ng pagyanig at tectonic ang origin nito.
Wala namang naitalang intensities bunsod ng lindol.
Hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.