P17M na tulong-pinansyal naipamahagi ng DOLE sa Northern Samar sa ilalim ng TUPAD Program
Aabot sa P17 million na tulong-pinansyal ang naipamahagi ng Department of Labor and Employment sa mga maralita sa Northern Samar sa ilalim ng emergency employment o TUPAD program ng kagawaran.
Sa mga susunod na buwan, mahigit P40 Million pa ang pondong inilaan para maipamahagi sa mga benepisyaryo ng programa.
Ayon sa Northern Samar Field Office ng DOLE, mayroong 1,233 informal sector workers ang nabigyan ng short-term employment sa iba’t ibang munisipalidad sa Northern Samar.
Ang TUPAD Program ng DOLE ay layong matulungan ang mga manggagawa na naapektuhan ng pandemya ng COVID-19.
Ayon kay DOLE Secretary Silvestre “Bebot” Bello, sa ilalim ng TUPAD-Bayanihan 2, ang mga maralita ay kukuhanin magtrabaho sa paglilinis ng mga kalsada, streets at iba pang public areas o kaya ay magsagawa ng iba pang community work sa kani-kanilang mga lugar.
Sila ay tumatanggap ng P3,250 hanggang P4,875 na sweldo para sa 10 hanggang 15 araw na pagtatrabaho.