Dayuhang turista hindi pa rin papayagang pumasok sa bansa – BI

Dayuhang turista hindi pa rin papayagang pumasok sa bansa – BI

Nilinaw ng Bureau of Immigration (BI) na bawal pa ding pumasok sa bansa ang mga dayuhang turista.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, tanging ang mga dayuha na mayroong balido at existing visa ang pinapayagang pumasok sa bansa.

Ang pagluwag aniya sa umiiral na travel restrictions ay para lamang sa mga dayuhan na mayroon nang mga visa sa kanilang pagdating sa Pilipinas.

Simula Sabado, May 1, sinabi ng BI na ang mga dayuhan na mayroong existing immigrant at non-immigrant visas ay pwede nang makapasok sa bansa.

Exempted naman sa visa requirement ang mga dayuhang asawa o anak ng mga Balikbayan.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *