DOLE nagpalabas ng pay rules para sa tamang pagpapasweldo sa May 1
Nagpalabas ng holiday pay rules ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa gugunitaing holiday sa Mayo a-uno.
Ayon sa inilabas na labor advisory ng DOLE, ang May 1 (Labor Day) ay deklaradong regular holiday.
Tatanggap pa din ng 100 percent ng kaniyang sweldo ang empleyado kahit hindi pumasok sa trabaho.
Kung papasok naman sa trabaho ay tatanggap ng 200 percent ng kaniyang basic pay ang empleyado.
Kung lalagpas ng walong oras ang trabaho, babayaran pa siya ng 30 percent ng kaniyang hourly rate para sa bawat oras ng pag-overtime.