MECQ sa NCR Plus pinalawig ng dalawang linggo pa

MECQ sa NCR Plus pinalawig ng dalawang linggo pa

Pinalawig ni Pangulong Rodrigo Duterte ng dalawang linggo pa ang pag-iral ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa tinaguriang NCR Plus.

Ang MECQ ay iiral pa sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite, at Laguna hanggang May 14, 2021.

Mangangahulugan ito ng mahigit isang buwan nang pagpapairal ng mahigpit na quarantine measures sa
NCR Plus.

Sa kaniyang public address kagabi sinabi ng pangulo na binigyang-bigat niya sa pagpapapasya ang rekomendasyon ni Sec. Francisco Duque III dahil ito ang mas nakakaalam bilang doktor.

Ayon naman kay MMDA Chairmab Benhur Abalos, nagkaisa ang lahat ng Metro Mayors sa pagnanais na palawigin ang MECQ.

Samantala, MECQ din ang iiral para sa buong buwan ng Mayo sa Santiago City, Quirino at Abra.

Habang GCQ naman o mas magaang quarantine measures ang iiral sa sumusunod na mga lugar:

Apayao
Baguio City
Benguet
Ifugao
Kalinga
Mountain Province
Cagayan
Isabela
Nueva Vizcaya
Batangas
Quezon
Tacloban City
Iligan City
Davao City
Lanao del Sur

Sa nalalabi pang bahagi ng bansa ay modified GCQ ang iiral.

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *