31 pang Pinoy tinamaan ng COVID-19 sa ibang bansa; 4 pa ang nasawi
Nadagdagan ng 31 pa ang bilang ng mga Pinoy sa ibang bansa na tinamaan ng COVID-19.
Sa datos mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) araw ng Miyerkules, April 28, sa kabuuan 18,301 na ang bilang ng mga Pinoy abroad na tinamaan ng COVID-19.
Sa naturang bilang, 11,220 na ang gumaling habang 5,936 pa ang sumasailalim sa gamutan.
Nasa 1,145 naman ang kabuuang bilang ng mga nasawing Pinoy sa ibang bansa dahil sa COVID-19.
Pinakamarami pa ring bilang ng mga Pinoy na nagpositibo sa COVID-19 ay sa Middle East / Africa na umabot sa 10,443.
Sumunod ang Asia Pacific Region na mayroong 3,546 cases.