Farm-to-road market project sa Catarman, Northern Samar matatapos sa Hunyo

Farm-to-road market project sa Catarman, Northern Samar matatapos sa Hunyo

Inumpisahan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang konstruksyon ng farm-to-market (FMR) road project sa Brgy. Cularima, Catarman, Northern Samar.

Tinatayang P9.7-million ang halaga ng nasabing proyekto.

Makatutulong ang proyekto para mas maging madali at maginhawa ang pagbiyahe ng mga magsasaka at residente sa lugar lalo na kapag panahon ng tag-ulan.

Sa pamamagitan ng proyekto ay magiging mas mabilis din ang pagbiyahe ng mga produkto patungo sa town proper.

Sa panayam sinabi ni District Engineer Mario Villena, sa ilalim ng second phase ng proyekto ay ang gawing sementado ang kalsada na sakop ng mga Barangay Cag-abaca, Cularima at Gen. Malvar sa Catarman.

Sa ilalim ng nasabing proyekto, sesementuhan ang 135.5-meter road, na may lapad na 6.10 meters.

Maglalagay din ng Grouted Riprap at concrete revetment.

Ang proyekto ay bahagi ng convergence program ng DPWH at ng Department of Agriculture na pinondohan sa ilalim ng 2020 DA Bayanihan II.

Inaasahang makukumpleto ito sa June 2021.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *