PCG personnel na gumaling sa COVID-19 nag-donate ng convalescent plasma
Ilang frontline personnel ng Philippine Coast Guard (PCG) Civil Relations Service ang boluntaryong nag-donate ng ‘convalescent plasma’ matapos ang kanilang paggaling sa COVID-19.
Nagsimula ang ‘convalescent plasma donation drive’ sa Port Area, Maynila noong Lunes, April 26, 2021 at tatagal hanggang mamayang hapon, April 28, 2021.
Layon ng inisiyatibong ito na hikayatin ang mga fully-recovered PCG frontline personnel na tumulong sa pagpaparami ng supply ng ‘convalescent plasma’ sa bansa.
Samantala, maliban sa convalescent plasma donors, nakibahagi rin sa inisiyatibong ito ang mga regular blood donors sa PCG para makatulong sa mga pasyenteng nangangailangan ng blood transfusion.