Pagdating sa bansa ng unang batch ng Sputnik V COVID-19 vaccine hindi matutuloy
Hindi matutuloy ang pagdating sa bansa ng unang batch ng Sputnik V COVID-19 vaccine.
Ngayong Miyerkules (April 28) ng gabi dapat ay nakatakdang dumating sa bansa ang 15,000 doses of Sputnik V.
Pero ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nagkaroon ng ‘logistical challenges’ at ito ang dahilan kaya made-delay ang dating sa Pilipinas ng 15,000 doses trial order para sa Sputnik V.
Gumagawa na aniya ng paraan si Vaccine czar Carlito Galvez kaugnay nito at target na matuloy ang pagdating sa bansa ng nasabing mga bakuna sa sa Mayo.
Kabilang sa naging hamon sa pag-deliver ng mga bakuna sa bansa ay ang kawalan ng direct flights mula Russia patungong Pilipinas at ang required temperature na -20°C para sa storage ng bakuna.