5,000 manggagawa na bahagi ng Priority Group A4 babakunahan sa Labor Day
Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang kahilingan ng Department of Labor and Employment (DOLE) na mabakunahan ang 5,000 manggagawa sa Labor Day (May 1).
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, isasagawa ang symbolic inoculation ceremony sa mga minimum wage workers at overseas Filipino workers sa ilalim ng Priority Group A4.
Inatasan ang DOLE na lumikha ng masterlist ng mga babakunahan sa nasabing petsa.
Kasabay nito, inaprubahan din ng IATF na maisama sa Priority Group A4 ang mga frontliners mula sa Congress of the Philippines.