Mahigit 100 katao tumanggap ng libreng seedlings iba’t ibang fruit-bearing trees sa Community PanTREE ng DENR
Pinilihan ang muling pagbubukas ng Community PanTREE ng Department of Environment and Natural Resources – NCR sa Quezon City kahapon, April 27.
Mahigit isangdaang katao ang nakatanggap ng libreng seedlings ng iba’t ibang fruit-bearing trees gaya ng Atis, Avocado, Banaba, Bayabas, Lipote, Duhat, Rambutan, at Suha.
Bukas, araw ng Huwebes (April 29) ay muling magbubukas ang Community PanTREE mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali sa DENR-NCR Technical Services Office sa North Avenue, Diliman, Quezon City.
Ang mga magtutungo sa lugar ay pinapayuhan na istriktong sundin ang public health protocols gaya ng pagsusuot ng face masks/face shields at physical distancing.