970 na biyahero hindi pinapasok sa Baguio City sa nakalipas na dalawang linggo dahil sa border violations
Patuloy ang paghihigpit ng Pamahalaang lungsod ng Baguio sa mga biyaherong pumapasok sa lungsod.
Sa datos ng Baguio City Police Office (BCPO) mayroong 970 travelers ang hindi pinapasok sa lungsod mula October 1 hanggang 11 matapos walang maipakitang karapatang dokumento para makapasok sa Summer Capital.
Kabilang sa Delta variant contingency plan ng lungsod ang pagpapatupad ng mas istriktong border control.
Noong buwan ng Agosto umabot sa 486 ang pinauwing biyahero at 1,786 naman noong buwan ng Setyembre.
Noong Agosto mayroon ding 14 na biyahero ang hinuli dahil sa pagpe-presenta ng pekeng health documents.
Kabilang sa mga border ng lungsod na mahigpit na binabantayan ay ang Marcos Highway, Tuba Viewdeck, Irisan, Magsaysay, Longlong Tacay, Tiptop, Kias, Asin Tadiangan, Ambiong at Baguio-Tuding.
Una nang inatasan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong si P/Col. Glenn Lonogan ng BCPO na tiyaking paiiralin ang istriktong border control para maiwasan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Tanging ang mga biyahero na may essential purpose lamang ang pwedeng pumasok sa Baguio at dapat mayroon itong valid ID, negatibong RT PCRT test result o Vaccination Passport. (DDC)