97 bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas; highest record sa daily cases ng rehiyon
Nakapagtala ng 97 pa na bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Ito na ang pinakamataas na naitala sa daily cases ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa datos ng Department of Health-Eastern Visayas, dahil sa dagdag na mga kaso umabot na sa 1,918 ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.
Umabot naman na sa 1,224 ang mga gumaling sa sakit at 685 na lang ang aktibong kaso.
Ang mga bagong kasong naitala ay mula sa iba’t ibang mga bayan sa lalawigan ng Leyte at Samar.
Mahigit 30 sa mga bagong nagpositibo ay pawang healthcare workers.
Marami din ang locally stranded individuals na umuwi sa rehiyon galing ng Metro Manila, Laguna, Bulacan, Cebu at Mandaue.