97.6 percent ng mga batang nabakunahan kontra COVID-19 sa buong mundo hindi nakaranas ng adverse events – DOH
Sa 8.7 million na mga batang nabakunahan kontra COVID-19 sa buong mundo nasa 2 percent lamang ang nakaranas ng Adverse Events Following Immunization (AEFI).
Ayon sa Department of Health (DOH) base sa global data, sa 8.7 million na mga batang nabakunahan, 4,149 lamang ang iniulat na nakaranas ng side effects ng bakuna.
Ang naranasan nilang side effects ay pawang normal na epekto lamang at walang nakaranas ng seryosong epekto.
97.6 percent ng mga batang nabakunahan na kontra COVID-19 ay hindi nakaranas ng anumang adverse events.
Ayon pa sa DOH, walang datos na nagsasabing ang pagbabakuna kontra COVID-19 ay nagdulot ng pagkasawi sa mga abta.
Muli ring iginiit ng DOH na lahat ng bakuna na ginagamit ngayon sa bansa ay sumailalim sa masinsinang pag-aaral at lahat ay naisyuhan ng Emergency Use Authorization ng Food and Drug Administration (FDA). (DDC)