Cavite Vice Gov. Jolo Revilla nabatikos ng netizens; Ferdinand Magellan sinaluduhan sa ika-500 Anibersaryo ng ‘Victory of Mactan’
Nabatikos sa social media si Cavite Vice Governor Jolo Revilla.
Ito ay bunsod ng mensahe ni Revilla sa kaniyang Facebook Page kung saan binigyan nito ng pagsaludo si Ferdinand Magellan sa ika-500 Anibersaryo ng ‘Victory of Mactan’.
“Isang pagsaludo sa kagitingan ng isa sa mga unang bayani ng bayan na si Ferdinand Magellan na nagbuwis ng kanyang buhay para sa kalayaan 500 taon na ang nakararaan!” ayon sa unang post.
Nabago din naman ang naturang post at ang ‘Ferdinand Magellan’ ay pinalitan ng ‘Lapu-Lapu’.
“Isang pagsaludo sa kagitingan ng isa sa mga unang bayani ng bayan na si Lapu Lapu na nagbuwis ng kanyang buhay para sa kalayaan 500 taon na ang nakararaan!” ayon sa edited post.
Pero bago napalitan ang post ay marami nang netizen ang nakapag-screengrab nito.
Ayon sa ilang netizen, maaring masibak sa trabaho ang social media manager ng vice governor dahil sa pagkakamali.
Mayroon ding nagkomento na pati “pagkilala at ninakaw ng mga Revilla kay Lapu-Lapu”.