Rape with homicide laban sa 11 suspek sa pagkasawi ni Christine Dacera ibinasura ng piskalya

Rape with homicide laban sa 11 suspek sa pagkasawi ni Christine Dacera ibinasura ng piskalya

Ibinasura ng piskala sa Makati City ang reklamong rape with homicide na inihain laban sa 11 suspek sa pagkasawi ni Christine Dacera.

Batay sa 19 na pahinang resolusyon na inilabas ni Makati City Prosecutor Joan Bolina-Santillan, hindi nakitaan ng probable cause upang isulong sa korte ang kasong rape laban sa mga suspek.

Ayon sa resolusyon, ang mga ebidensyang isinumite sa piskalya ay hindi sapat para mapatunayang nagkaroon ng rape at homicide sa pagkamatay ni Dacera.

Sinabi ng piskalya na ruptured aortic aneurysm ang ikinasawi ng biktima.

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *