Limang lalawigan sa Luzon nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng nasawi noong taong 2020
Limang lalawigan mula sa Luzon ang naitala ng Philippine Statistics Authority na mayroong pinakamataas na registered deaths mula Enero hanggang Disyembre 2020.
Ayon sa PSA, sa buong Pilipinas nakapagtala ng 601,811 deaths noong 2020.
Sa nasabing bilang, 344,585 ang nasawing lalaki at 257,226 naman ang nasawing babae.
Ang sumusunod na mga lalawigan ay nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng nasawi noong nakaraang taon:
Cavite – 24,438
Bulacan – 21,551
Pangasinan – 20,423
Laguna – 19,594
Rizal – 19,182
Narito naman ang mga lungsod na nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng nasawi:
Quezon City – 18,378
Manila – 12,767
Davao City – 10,732
Caloocan City – 10,058
Cebu City – 7,070