Limang barko huli sa ilegal na pangingisda sa Zamboanga Del Norte
Hinuli ng mga tauhan ng Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources IX ng Zamboanga Del Norte at ng PNP-Maritime Group ang limang Commercial Fishing Vessel na ilegal na nangingisda sa karagatang sakop ng Gutalac, Zamboanga del Norte.
Nagsasagawa ng joint seaborne patrol operation ang mga otoridad nang mamataan ang grupo ng mga mangingisda.
Ang isa sa mga ito ay gumagamit ng superlights, dalawa ang ay pawang purse seine catchers at dalawa ay pawang carrier vessels.
Dinala sa Brgy. Dansalan, Labason, Zamboanga del Norte ang mga barko para sa impoundment at documentation.
Ang mga hinuling FB EMANNUEL-1 (83.44 GT), FB ELENA MAE-1 (124.56 GT), FB ELENA MAE-VII (94.63 GT), FB JORDAN-8 (72.15 GT), at Light boat FB JORDAN-IV, ay pawang pag-aari ng commercial fishing corporation na naka-base sa Zamboanga City.
Nilabag ng mga ito ang RA 10654 o An Act to Prevent, Deter, Eliminate Illegal, Unreported and Unregulated Fishing.
Nakuha din sa kanila ang 12 tubs ng iba’t ibang huling isda.