Kaso ng COVID-19 sa bansa pumalo na sa 1 milyon; halos 9,000 bagong kaso ang naitala
Naitala na ang one-million mark sa total cases ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Lunes, April 26 ay 1,006,428 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 8,929 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 914,952 ang gumaling o katumbas ng 90.9 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 11,333 na gumaling.
74,623 naman ang active cases o katumbas ng 7.4 percent.
16,853 na ang kabuuang death toll sa bansa o 1.67 percent makaraang makapagtala ng dagdag na 70 pang pumanaw.