16 pang Pinoy tinamaan ng COVID-19 sa ibang bansa
Nadagdagan ng 16 pa ang bilang ng mga Pinoy sa ibang bansa na tinamaan ng COVID-19.
Sa datos mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) araw ng Lunes, April 26, sa kabuuan 18,253 na ang bilang ng mga Pinoy abroad na tinamaan ng COVID-19.
Sa naturang bilang, 11,194 na ang gumaling habang 5,933 pa ang sumasailalim sa gamutan.
Nasa 1,126 naman ang kabuuang bilang ng mga nasawing Pinoy sa ibang bansa dahil sa COVID-19.
Pinakamarami pa ring bilang ng mga Pinoy na nagpositibo sa COVID-19 ay sa Middle East / Africa na umabot sa 10,436.
Sumunod ang Asia Pacific Region na mayroong 3,508 cases.